Sunday, October 4, 2009

it really bothers me

What if nothing really follows death? What if there's no after life..? "

Nang marinig ko ang tanong na'to, hindi na'ko mapalagay. Sari-saring bagay ang pumapasok sa'king isip...OO nga no? Paano nga kung walang kabilang buhay. Walang langit o impiyerno, kahit purgatoryo. Kapag namatay ka na, wala na! Tapos na ang lahat. Tanggap mo ba na ang huling hantungan mo ay sa loob ng kahon na gawa sa kahoy na nabubulok sa paglipas ng panahon, na nasa loob ng isang sementadong nitso na dinesenyuhan ngunit kahit kailan ay hindi maging maganda sa paningin nino man. Tanggap mo ba na ang katawan mo ay gagapangan ng mga uod na kumakain ng iyong laman. Tanggap mo ba na ang tanging matitira sa katawan mo ay ang iyong mga buto na mananatiling buto magpakailanman. Ang kaluluwa mo, Saan? Saan nga mapupunta ang iyong kaluluwa kung toong walang susunod sa kamatayan. Na ang kamatayan na ang tuldok. Na ang kamatayan na ang dulo. Na ang kaluluwa mo ay magmimistulang bula na kapag naglaho ay tuluyan at walang balikan. Lilipad at magpapagala-gala sa hangin. Lulutang ng walang hanggan. Mapupunta sa ibang dimensyon na ang tanging makikita ay dilim at ang tanging maririnig ay katahimikan.

Kung totoong ngang walang nang susunod sa kamatayan, hindi na yon mahalaga. Kung walang nang kasunod? Ok lang! Hindi mo na rin malalaman...

No comments:

Post a Comment