Sunday, October 4, 2009

MUKHA


BAKIT KAYA SADYANG MGA TAONG NANATILI SA MUNDO PARA MANIRA NG ARAW AT MAMBWISET NG KAPWA, AT HIGIT SA LAHAT MANG-AHAS NG SYOTA... KAYA NAKAGAWA AKO NG ISANG MUNTING TULA............DE............DI.....


Matatamis na salita

Bukamabibig sa twina

Lason pala sa laway niya'y

labis na nakasisira

Mga mata niya'y lubhang nakahahalina

Tuko ang hatid niya, huwag kang padadaya


Ako'y lumuluha

Pand-walang hangganan tila

Anay na sumuisira

Nasa'y buhay ko'y wakasan

Anong paraan para lumaban

Sa kaaway na dalawa ang mukha


Sigaw mo'y saklolo sa

lumulubog na kumunoy

Siya'y sa harapan mo'y nasa

Tila bingi sa iyong panaghoy

Mga ngiti ay sadyang nakabubulag

Halik ni Hudas panganib ang hayag


Akala mo sa una'y isang maamong tupa

Ngunit sa lokod ng kanyang maamong mukha

Isang nagbabalatkayong buwitre lang pala

...........................................CATED to: YOU!


written by: Norvin L. Delos Santos




" Mga tinamaan dyan para sa inyo tong TULANG to. Sosyal ha! Ginawan ko pa talaga kayo ng tula. BATO-BATO SA LANGIT ANG TAMAAN PANGIT... "


COFFEE BREAK

Sobra na ang kaadikan ko sa kape. Umabot na ko sa point na ang kape ay pinangtu-toothbrush at pinang sha-shampoo ko na! ( hyperbole )...

Coffeeeee dependent na ako. Ang tingin ko na sa mga tao ay stick ng Nescafe at isang pack ng kopiko.

Ang pamatid- uhaw ko na ngayon ay kape imbes na NAWASA aka tap water.

Kahit sa classroom ay nagdadala ako ng thermos na may maiinit na tubig para in case na atakihin na naman ako ng addiction ko ay meron akong maipang-gagamot.

Feeling ko na ang kape ay ginawa ng Diyos para maging sandigan ng tao sa oras ng problema at kalungkutan. Sa oras na kailangan mag-review para sa prelim, midterm at finals, sa oras na ang tingin mo na sa sarili mo ay si Dingdong Dantes ( pangpanerbyos )

Speaking og Dingdong Dantes... siguro ay lumalaklak siya ng isang litrong kape na walang halong tubig bawat araw. Di ba sabi nga ng isang ad sa TV, " Choose wellness that coffee has more anti-oxidant...OO tama ang iniisip mo. Nakakapagpabata daw ang kape... DAW? kAse pag umiinom ako ng kape, hindi ako nakakatulog... tapos paggising ko sa umaga, lubog na ang mata ko. At parang may dalawang solar system sa mukha ko.

Naalala ko nung high school, bumibili kami ng mga repapits ko ng kape sa TEKA MUNA. Masasarap ang kape dun kaso ang mahal... kalahati na siguro ng baon ko. Ang tawag namin sa kape ay " pampasosyal ". Parang pag may hawak kang kape ay pagtitinginan ka ng mga tao dahil iba ka at di ka na ma-reach. Nagtataka lang ako sa TEKA MUNA kung bakit ang mamahal ng kape nila eh nescafe lang naman un na hinaluan ng yelo ( coffee frost ) at bearbrand lang na hinaluan din ng yelo ( milk frost )... I'm wondering kung yelo ba ang nagpapamahal sa kanila eh dalawang piso lang naman ang yelo sa ordinaryong drugstore???

Pero ok lang... dahil na din sa kape na yan ay naging malapit ako kay SAKTOH... Sabi niya hindi daw siya umiinom ng kape pero dahil daw saken ay natuto na xa. ASA!( hindi mo matatawag na addict ka sa kape kung ang kape mo ay may halong tatlong kutsarang asukal, isang pack ng gatas at kalahating kilo ng yelo... Anuka....andaya mo! Kung kape, kape lang talaga...)

Andami kong ginawang eksperimento sa kape ko para lang mapunan ang hamog ng curiosity na nakatakip sa mata ko. Ano kaya kung haluan ko ang kape ng isang chocnut...ng isang nips...mmmmmm..sarap..ng isang patak ng agua oxinada...dalawang kutsaritang betadine...at isang basong sprite...at isang pahid ng colgate...( katulad nung ginawa nung mga presong walang magawa na binalita sa tv )....Asan ako?.....bakit lahat kayo nakaputi?.....sino ka?....bat may hawak kang manok...? ( si San Pedro )....

" there are four things that lasts... LOVE, HOPE, FAITH AND COFFEE...

but the greatest of them is COFFEE..."

it really bothers me

What if nothing really follows death? What if there's no after life..? "

Nang marinig ko ang tanong na'to, hindi na'ko mapalagay. Sari-saring bagay ang pumapasok sa'king isip...OO nga no? Paano nga kung walang kabilang buhay. Walang langit o impiyerno, kahit purgatoryo. Kapag namatay ka na, wala na! Tapos na ang lahat. Tanggap mo ba na ang huling hantungan mo ay sa loob ng kahon na gawa sa kahoy na nabubulok sa paglipas ng panahon, na nasa loob ng isang sementadong nitso na dinesenyuhan ngunit kahit kailan ay hindi maging maganda sa paningin nino man. Tanggap mo ba na ang katawan mo ay gagapangan ng mga uod na kumakain ng iyong laman. Tanggap mo ba na ang tanging matitira sa katawan mo ay ang iyong mga buto na mananatiling buto magpakailanman. Ang kaluluwa mo, Saan? Saan nga mapupunta ang iyong kaluluwa kung toong walang susunod sa kamatayan. Na ang kamatayan na ang tuldok. Na ang kamatayan na ang dulo. Na ang kaluluwa mo ay magmimistulang bula na kapag naglaho ay tuluyan at walang balikan. Lilipad at magpapagala-gala sa hangin. Lulutang ng walang hanggan. Mapupunta sa ibang dimensyon na ang tanging makikita ay dilim at ang tanging maririnig ay katahimikan.

Kung totoong ngang walang nang susunod sa kamatayan, hindi na yon mahalaga. Kung walang nang kasunod? Ok lang! Hindi mo na rin malalaman...