Sobra na ang kaadikan ko sa kape. Umabot na ko sa point na ang kape ay pinangtu-toothbrush at pinang sha-shampoo ko na! ( hyperbole )...
Coffeeeee dependent na ako. Ang tingin ko na sa mga tao ay stick ng Nescafe at isang pack ng kopiko.
Ang pamatid- uhaw ko na ngayon ay kape imbes na NAWASA aka tap water.
Kahit sa classroom ay nagdadala ako ng thermos na may maiinit na tubig para in case na atakihin na naman ako ng addiction ko ay meron akong maipang-gagamot.
Feeling ko na ang kape ay ginawa ng Diyos para maging sandigan ng tao sa oras ng problema at kalungkutan. Sa oras na kailangan mag-review para sa prelim, midterm at finals, sa oras na ang tingin mo na sa sarili mo ay si Dingdong Dantes ( pangpanerbyos )
Speaking og Dingdong Dantes... siguro ay lumalaklak siya ng isang litrong kape na walang halong tubig bawat araw. Di ba sabi nga ng isang ad sa TV, " Choose wellness that coffee has more anti-oxidant...OO tama ang iniisip mo. Nakakapagpabata daw ang kape... DAW? kAse pag umiinom ako ng kape, hindi ako nakakatulog... tapos paggising ko sa umaga, lubog na ang mata ko. At parang may dalawang solar system sa mukha ko.
Naalala ko nung high school, bumibili kami ng mga repapits ko ng kape sa TEKA MUNA. Masasarap ang kape dun kaso ang mahal... kalahati na siguro ng baon ko. Ang tawag namin sa kape ay " pampasosyal ". Parang pag may hawak kang kape ay pagtitinginan ka ng mga tao dahil iba ka at di ka na ma-reach. Nagtataka lang ako sa TEKA MUNA kung bakit ang mamahal ng kape nila eh nescafe lang naman un na hinaluan ng yelo ( coffee frost ) at bearbrand lang na hinaluan din ng yelo ( milk frost )... I'm wondering kung yelo ba ang nagpapamahal sa kanila eh dalawang piso lang naman ang yelo sa ordinaryong drugstore???
Pero ok lang... dahil na din sa kape na yan ay naging malapit ako kay SAKTOH... Sabi niya hindi daw siya umiinom ng kape pero dahil daw saken ay natuto na xa. ASA!( hindi mo matatawag na addict ka sa kape kung ang kape mo ay may halong tatlong kutsarang asukal, isang pack ng gatas at kalahating kilo ng yelo... Anuka....andaya mo! Kung kape, kape lang talaga...)
Andami kong ginawang eksperimento sa kape ko para lang mapunan ang hamog ng curiosity na nakatakip sa mata ko. Ano kaya kung haluan ko ang kape ng isang chocnut...ng isang nips...mmmmmm..sarap..ng isang patak ng agua oxinada...dalawang kutsaritang betadine...at isang basong sprite...at isang pahid ng colgate...( katulad nung ginawa nung mga presong walang magawa na binalita sa tv )....Asan ako?.....bakit lahat kayo nakaputi?.....sino ka?....bat may hawak kang manok...? ( si San Pedro )....
" there are four things that lasts... LOVE, HOPE, FAITH AND COFFEE...
but the greatest of them is COFFEE..."
No comments:
Post a Comment